Ni JIMI ESCALA

KAY Cong. Winston Castelo ng 2nd District ng Quezon City, husband ng dating actress na ngayon ay konsehala ng siyudad na si Precious Hipolito, na mismo namin inusisa kung may katotohanan ang pinagpipistahang tsismis na ikinasal sa Kyusi sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Ellen, John Lloyd copy

Nakarating na siyempre ang tsismis sa mga local na opisyales ng siyudad nitong nakaraang linggo na sa isang lugar sa Quezon City ikinasal sina Lloydie at Ellen.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa pagkakaalam ni Cong. Winnie ay walang naganap na kasalan dahil wala namang kumpirmadong balita tungkol dito na nakarating sa kanila. Kung may naganap man daw na kasalan ng celebrities ay tiyak malalaman agad nila sampu ng lahat na mga local leaders ng siyudad.

Ayon pa kay Cong. Castelo, in passing daw ay naitanong niya kay Mayor Herbert Bautista kung ito nga ang nagkasal kina John Lloyd at Ellen dahil iyon nga ang kumakalat na tsismis.

Agad daw itong itinanggi ni Mayor Herbert.

“Pero sa totoo lang, kung lumapit kay Mayor Herbert ang dalawa at magpapakasal, eh, hindi sila tatanggihan ni HB at sa loob ng opisina niya, sa mismong Mayor’s office gagawin ang kasal at hindi sa ibang lugar,” sey ni Cong. Winnie.

Samantala, maugong ang balitang tatakbo sa kongreso si Mayor Herbert at si Cong. Winnie ay malamang na pagiging bise alkalde ang pupuntiryahin sa darating na eleksiyon.