Ni Marivic Awitan

PINUTOL ng National University ang nasimulang winning run ng University of Sto. Tomas sa pamamagitan ng 91-72 panalo nitong Martes pata makausad sa UAAP Season 80 juniors basketball finals sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Pinangunahan nina Terrence Fortea at Miguel Oczon ang naturang panalo makaraang magtala ng 17 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagposte rin sina Fortea at Oczon, kasama sina Paul Manalang at Winderlich Coyoca ng pinagsamang 10 triples na siyang nagpahirap kay Season MVP CJ Cansino at sa Tiger Cubs.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sila rin ang nanguna sa itinalang 17-1 run ng Bullpups na nagresulta sa I32-17 na kalamangan sa second canto.

Dahil sa panalo, nakamit ng Bullpups ang karapatang makaharap ang outright finalist Ateneo sa best-of-three Finals series.

Magaganap ang Game 1 bukas ganap na 2:00 ng hapon sa parehas ding venue. Nanguna sa UST sina RJ Baquial at Jezreel Villapando na kapwa tumapos na may 16-puntos kasunod si Cansino na may 10 puntos, 16 rebounds at pitong assists.

Iskor:

NU (91) – Fortea 17, Oczon 16, Javillonar 13, Amsali 12, Manalang 11, Coyoca 8, Gonzales 4, Pangilinan 4, Minerva 2, Malonzo 2, Vinoya 2, Dayrit 0, Felicida 0.

UST (72) – Baquial 16, Villapando 16, Lina 10, Cansino 10, Narvasa 10, Anunciacion 6, Palencia 2, Dolendo 0, Manabat 0, Relucio 0, Estrella 0, Dela Cruz 0, Benzonan 0.

Quarterscores: 21-17; 45-31; 67-51; 91-72.