Ni Leonel M. Abasola
Malapit nang matanggal ang “interconnectivity fee” o singil ng cell phone sa tawag at text sa ibang network, makaraang maipasa ito ng Senado.
Sa kasalukuyan, nasa P2.50 ang kada minutong singil sa tawag at P0.15 naman sa text message kapag magkaiba ang network na ginagamit.
Nitong 2016, umabot sa P3.2 bilyon ang kinita ng mga higanteng telecommunication company (telco) sa nasabing singilin.
“These interconnection fees put an unnecessary burden on mobile subscribers who have contacts that patronize different networks. Removing these fees will result in consumer savings since they will no longer be made to pay a premium for making inter-network calls and texts,” saad sa Senate Bill No. 1636, o Lifetime Cell Phone Number Act.
Ipinagbabawal sa naturang batas ang eksklusibong paggiit sa Public Telecommunications Entities (PTEs) sa isang network lang.
Pagmumultahin ng P100,000-P300,000 sa unang paglabag, P400,000-P600,000 sa ikalawa, at P700,000-P1 milyon sa ikatlong paglabag, bukod pa sa pagbawi ng lisensiya.