Ni NORA CALDERON

MARIE JEAN
MARIE JEAN
IBINALIK ng Eat Bulaga ang "Super Sireyna" segment simula noong Lunes, Pebrero 12 at araw-araw ay tatlo ang contestants nila na gumagaya sa mga sikat na celebrity and stars. Inia-announce nila ang winner bago matapos ang show ay ina-accounce na nila ang winner.

First time na may sumali nitong Biyernes na ang ginagaya ay si Maine Mendoza, siya si Marie Jean Montecillo ng Caloocan City. Paborito agad siya ng audience sa Broadway Studio, dahil talaga namang kamukha siya ni Maine. Ang mga kalaban niya ay ginaya sina Erich Gonzales at Marian Rivera na hindi naman nila kamukha.

In fairness, sa native dance pa lamang ni Marie Jean ay stand-out na siya, pumasok pa sa split screen si Maine na nasa sugod-bahay sa Balut, Tondo, Manila at pinanood siya. Kaya si Maine ang tinanong nina Allan at Pia kung kamukha raw ba niya talaga si Marie Jean?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Yes, po Ma’am Allan, Ms. Pia, sa bangs at sa bibig,” sagot ni Maine.

Nakilala si Maine sa pagda-dubsmash kaya tinanong si Marie Jean kung marunong din siya. Marunong nga, at sinabayan siya ni Maine. Pero ang sabi ni Pia, iba pa rin ang original nang hindi niya gaanong nasabayan si Maine.

Naisipang gayahin ni Marie Jean si Maine dahil, “Noong araw po na sumasali ako sa beauty pageant, si Megan Young ang ginagaya ko, pero minsan may batang lumapit sa akin, sabi niya, ‘Hey, you are Maine Mendoza’ kaya simula po noon siya na ang ginagaya ko.”

Paborito ni Maine ang beach kaya marami na raw napuntahang beach si Marie Jean last Holy Week. Gusto niyang pumunta sa beach sa Pagudpud, Ilocos Norte, kaya ang biro ni Maine, “Ma’am Allan, baka naman may mag-abang doon na mga AlDub Nation, hindi po ako pupunta roon.”

Maayos din ang sagot ni Marie Jean sa question and answer portion at true enough, tinalo ni Maine Mendoza sina Erich Gonzales at Marian Rivera. Napapanood sa Facebook account ng Eat Bulaga ang video ng “Super Sireyna” na naka-2.4K views na.