Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas-Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang insidente ng pagkalunod ng isang Chinese certified diver habang ito ay nasa diving session sa karagatan ng Isla Verde, Batangas City nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Supt. Wildemar Tiu, hepe ng Batangas City Police, ang nasawi na Gou Kai, 49, ng Shanghai, China at naka-check-in sa La Laguna Beach Club sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Sa police report, bago ang insidente ay sumasailalim sa diving session si Kai, kasama ang anim na iba pang diver nang magpasyang umahon ang grupo dahil sa masamang panahon dakong 1:12 ng hapon.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Hindi umano nagamit ni Kai ang Buoyancy Control Device (BCD) kaya kaya’t lumubog ito at nalunod.

Isinugod pa sa St. Patrick’s Hospital si Kai ngunit binawian din ito ng buhay.

Nilinaw ni Tiu na nakikipag-ugnayan na sila sa Chinese Embassy upang maasikaso ang pagpapa-uwi sa bangkay ni Kai.