Ni NORA CALDERON
MAGANDA ang epekto ng muling pagsasama nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa TVcommercial ng isang fastfood chain, dahil nanumbalik ang masayang samahan nina Gabby at ng kanyang panganay na si KC Conception.
Agad umani ng more than 128,000 views ang kulitan nilang mag-ama nang magkasama silang nag-celebrate ng Chinese New Year. Si Gabby ang nag-post sa Instagram ng video nila ni KC na bumabati ng Kung Hei Fat Choi at “Take care ‘coz we care” sa lahat ng followers nila.
Marami ang nag-comment na carbon copy silang mag-ama at masaya sila na nagkaroon ng bonding ang dalawa. May nagkomento pang kamukha raw ni KC si Sydney, ang gumaganap na anak ni Gabby sa Ika-6 Na Utos na mestisa rin. May mga nang-bash din kay KC pero sila naman ang binalingan ng fans.
Just asking, break na nga ba si KC at si Aly Borromeo? Noon kasi ay puring-puri ni Gabby si Aly, na sa mga naging boyfriend ni KC ay ito lang ang naging malapit sa kanya at nakasama pa niya sa dinner at lakaran. Wala nang post si KC na magkasama sila ni Aly, kaya may mga nagtatanong. Sino raw kung ganoon ang makakasama ni KC sa ipinatatayo niyang mansion sa San Vicente, Palawan?
May mga nagtatanong na rin kung kailan babalik sa acting si KC na matagal na nga naman na walang ginagawang teleserye sa ABS-CBN.
Samantala, patapos na sa Marso ang top-rating afternoon prime drama series ni Gabby na Ika-6 Na Utos. Patapos na rin ang kontrata niya sa GMA-7 at hindi pa alam kung muli siyang pipirma ng panibagong contract.