Phoenix Suns' Devin Booker (AP Photo/Chris Pizzello)
Phoenix Suns' Devin Booker (AP Photo/Chris Pizzello)

Naitala naman ni Devin Booker ng Phoenix Suns ang bagong marka sa 3-point contest nang makaiskor ng 28 puntos para gapiin sina 2016 champion Klay Thompson ng Golden State Warriors at Tobias Harris ng Los Angeles Clippers.

“It feels really good,” sambit ni Booker. “I wanted to go out there and make a name for myself.”

Kahanga-hanga ang shooting ni Booker na nagmintis lamang ng lima sa kanyang 25 na tira.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umusad sa finals sina Harris, Booker at Thompson mula sa eight-man field sa naiskor na 19 at 18 puntos sa elimination.

Ang dating marka sa event ay 27 puntos na naitala ni Stephen Curry noong 2015 at napantayan ni Thompson makalipas ang isang taon.

Sa Skills Challenge, nagwagi si Spencer Dinwiddie ng Brooklyn Nets kontra Lauri Markkanen ng Chicago Bulls.