A worker from Philpost sings as he deliver flowers during a Valentine's celebration in Makati, February 14, 2018.(Czar Dancel)
A worker from Philpost sings as he deliver flowers during a Valentine's celebration in Makati, February 14, 2018.(Czar Dancel)

Ni Alexandria Dennise San Juan

Tatlo sa lima o 59 na porsiyento ng mga Pilipino ang pipiliin ang career kaysa love life, ngunit 84% ang nagsabing posibleng matagumpay na pagsabayin ang dalawang ito, batay sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS).

Batay sa resulta ng survey nitong Disyembre 8-16, 2017, 59% sa mga respondent ang mas pinili ang career, at 41% ang mas uunahin ang love life, nang pinapili sa dalawa.

Ayon sa survey, mayorya sa kababaihan, o 60%, at 57% sa kalalakihan ang pinili ang career kaysa love life, at madaming mga walang asawa o kasintahan ang pumili rin sa career kaysa love life.

Politics

Congressmeow, balik-Kamara na; umaasang 'di na siya masuspinde!

Sa survey question na “In your opinion, it is possible to be successful in your love life and career at the same time?”, 58% ang sumagot ng “definitely possible”, 26% ang nagsabing “somewhat possible”, 5% ang “somewhat impossible”, at 3% ang nagsabing “definitely impossible”, habang 8% naman ang “undecided”.

Mula rito ay nakuha ang possibility score na +76, na kinategorya ng SWS na “very strong”.

Sa sumunod na tanong, tinanong sila kung naranasan na nilang magkaroon ng matagumpay na career at love life, mayoryang 66% ang nagsabing naranasan na nila ito.

Sa survey noong Disyembre 2017, 57% ang naglarawan ng kanilang love life bilang “very happy”, 29% ang nagsabing “it could be happier”, habang 14% ang nagsabing wala silang love life.

Samantala, ipinakita rin sa resulta ng survey na ang 18-34 anyos na single na lalaki ay mas masaya sa kanilang love life (45%) kumpara sa mga single na babae (28%).

Isinagawa ang December 2017 survey sa pamamagitan ng face-to-face na mga panayam sa 1,200 katao sa buong bansa.