Ni REGGEE BONOAN

NAKAMIT ni KZ Tandingan ang number one spot sa 5th episode ng Singer 2018, ang pinakamalaking singing competition sa China na produced Hunan Broadcasting System (HBS).

 

KZ1 copy copy

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Pawang matitindi at sikat ang mga nakalaban ni KZ, sina Jessie J ng United Kingdom; Tien Chong ng Hong Kong, Angela Chang ng Taiwan; Li Xiaodong, Wang Feng, James Li at Juno Su ng China. 

 

May natitira pang siyam na weekly episodes kaya mahigit na dalawang buwan pa ang hihintayin bago malaman kung masusungkit ng Soul Supreme ang titulong Singer 2018.

 

Naka-chat namin ang vice president ng Cornerstone Entertainment na si Jeff Vadillo na kasalukuyang nasa China pa kasama ni KZ.

 

“Hi Reggee, weekly ‘yung competition so as long as hindi si KZ nasa lowest spot tuloy lang siya sa show, 14 episodes ang show nasa 5th na tayo,” sabi ni Jeff.

 

Bumaha sa social media ang mga pagbati kay KZ at trending ang post ng performance niyang Rolling in the Deep ni Adelle na hinangaan ng lahat ng mga nanonood sa venue.

 

Nakakatuwa nang ipakita ang facial expression ng live audience na nanonood as in nakanganga silang lahat lalo na nu’ng mag-rap pa si KZ na ikinagulat ng lahat.

 

First attempt lang iyon ni KZ as challenger at siya kaagad ang nakakuha ng first place; pumangalawa si Jesse J; 3rd place si Hua Hua at 4th place si Wang Feng.

 

Kahapon nakatakdang umuwi ng Pilipinas si KZ at hihintayin na lang niya ulit kung kailan siya pababalikin sa China para sa susunod na episode para harapin ang challenger niya.