Ni Brian Yalung

NAGSIMULA na ang giyera sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL) Elite Eight nitong Huwebes, tampok ang anim na koponan sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Robert Bolick of the San Beda Red Lions (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Robert Bolick of the San Beda Red Lions (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Sa Group B, nakulata ng Holy Trinity College Wildcats ang De La Salle University Green Archers, 75-69.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Joseph Diamante sa Wildcats sa naiskor na 21 puntos at anim na rebounds, habang kumana si Leomark Salas ng 20 puntos at pitong boards. Hataw si Antonio Yang sa DLSU na may 21 puntos, walong rebounds, at tatlong assists.

Naisalba naman ni Chris Soberano ang San Beda Red Lions laban sa San Sebastian Stags.

Ratsada si Robert Bolick sa Red Lions na may 14 puntos, apat na rebounds, at pitong assists. Kumubra naman si Soberano ng 14 puntos at dalawang ounds. Nanguna si Alvin Capobres sa Stags sa naiskor na 14 puntos.

Sa Group A matchup, nadomina ng Ateneo Blue Eagles ang Naga College Foundation, 84-69.