Ni NORA CALDERON

MADALING kumalat sa Twitter ang panonood ni Maine Mendoza ng celebrity premiere ng Meet Me in St. Gallen sa Trinoma Cinema 7 last Tuesday evening. Bago iyon, nag-post si Maine Mendoza sa kanyang Instagram story ng “meet me... where?”

TEAM PELANG copy

Later, sunud-sunod na ang tweets na nandoon nga raw si Maine, “Team Pelangi supporting Celebrity Premiere Night.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang Team Pelangi ay sina Maine, Sheena Halili at Juancho Trivino na nabuo noong nagti-taping sila ng Destined To Be Yours na pinagbidahan nina Alden Richards at Maine. Sa Pelangi, Dolores, Quezon ang location ng kanilang teleserye at nanatili ang friendship nila kahit almost one year nang natapos ang show.

At bakit sila nag-attend? Dahil ang director ng Meet Me in St. Gallen ay ang director din nila sa Destined To Be Yours, si Irene Villamor.

Kaya na-meet ni Maine ang iba pang mga artista. Nasa unahan ng seat niya si Angelica Panganiban na noon pa ay fan na nina Maine at Alden, at minsang nakasabay niya ang dalawa sa airport ay nahiya raw siyang lapitan kaya tiningnan lang niya ang dalawa.

After ng screening, nag-tweet na si Maine ng, “So proud of you, direk! Congratulations sa cast and crew! Ang galing at ang ganda! #Team Pelangi all the way! Meet Me In St. Gallen showing na bukas (February 7).”

Ang isa pang tweet ni Maine: “Pwede mag-fangirl? #MeetMeInStGallen.”

Kasama naman ni Maine sa picture si Carlo Aquino na umaani ngayon ng mga papuri sa mahusay pagganap bilang lead actor sa movie. Marami namang sumagot sa tweet na okey daw sa kanila pero may kasamang “we love you and @aldenrichards02.”

May ilang nagtanong kay Maine kung itinanong daw ba nito kay Carlo kung may chance pa silang magkabalikan ni Angelica Panganiban.

Si Bela Padilla ang leading lady ni Carlo sa Meet Me in St. Gallen na showbiz sa mahigit 170 cinemas nationwide.