Ni Nitz Miralles

HINDI na mahihirapan ang GMA-7 na hanapan ng katambal si Rhian Ramos sa susunod niyang teleserye dahil may makaka-love team na siya, si Jason Abalos na kasama niya ngayon sa The One That Got Away (TOTGA).

Rhian Ramos copy copy

Magkakagusto ang role ni Jason bilang si Gael kay Zoe (Rhian) na in love naman kay Liam (Dennis Trillo). Pero nang magkasama sa eksena sina Rhian at Jason, nakitang bagay sila at lumutang ang kanilang chemistry.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naramdaman ng televiewers ang malakas na chemistry nina Rhian at Jason, kaya nagkaroon ng Zoel-shippers (for Zoe and Gael) sa viewers ng TOTGA. Marami ang kinikilig sa dalawa at may mga request na for a follow-up project for them.

May mga nagre-request na nga na sa ending ng TOTGA, sina Zoe at Gael na ang pagtambalin para less na ang competition nina Alex (Lovi Poe) at Darcy (Max Collins) kay Liam.

‘Kaso, matagal pa ang ending ng TOTGA at hindi pa alam sa ngayon kung sino ang makakatuluyan ni Liam sa mga ex niyang sina Zoe, Darcy at Alex. Para mas enjoy manood, huwag munang isipin ang ending, mag-focus muna sa umeereng episode.

Napapanood ang TOTGA pagkatapos ng Kambal Karibal at pinakahuling idinirehe ni Maryo J. delos Reyes. Si Direk Maryo ang nagdirek ng pilot episode nito saka ipinasa kina Direk Mark dela Cruz at Direk Rado Peru.