Ni Beth Camia

Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagpapalawig ng isang taon sa martial law sa Mindanao.

Sa SC en banc session kahapon, pinaboran ng mga mahistrado ang pagpapalawig sa martial law sa Mindanao sa botong 10-5.

Kumbinsido ang kataas-taasang hukuman na may sapat na basehan ang pagpapalawig ng Kongreso sa batas militar sa Mindanao.

National

Kampo ni FPRRD, pinapa-disqualify 2 judge ng ICC

Kabilang sa ibinasura ng SC ang apat na petisyon nina Congressmen Edcel Lagman, Tomasito Villarin, Edgar Erice, Teddy Brawner Baguilat, Gary Alejano at Emmanuel Billiones.

Hindi rin kinatigan ng nasabing korte ang mga petisyon ng mga human rights advocate at mga militanteng kongresista, dahil kumbinsido ang SC na nagpapatuloy pa ang rebelyon sa Mindanao.