Ni Mary Ann Santiago

Pinabiyahe kahapon ng Department of Transportation (DOTr) ang may 30 Point to Point (P2P) bus nito upang mabawasan ang haba ng pila ng mga pasahero sa mga terminal ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 dahil sa kakulangan ng mga tren nito.

Ginawa ng DOTr na 30 mula sa dating 20 ang mga P2P bus na bumiyahe para sa ‘Alalay sa Mananakay’ campaign ng kagawaran.

Ang mga naturang bus ay nagsasakay sa mga stranded na pasahero sa EDSA.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Dakong 5:30 pa lang ng umaga kahapon ay mahaba na ang pila ng mga pasahero sa MRT North Avenue Station sa Quezon City dahil walong tren lamang ang bumibiyahe.

Aminado ang DOTr na hindi kayang i-accommodate ng MRTang buhos ng mga pasahero, lalo na kapag rush hour kaya nagpasya silang muling mag-deploy ng mga P2P bus—na P15 din ang singil sa dire-diretsong biyahe.