Perpetual's Blanca Tripoli  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Perpetual's Blanca Tripoli (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Centre)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

9:30 n.u. -- LPU vs JRU (Men)

11:00 n.u. -- LPU vs JRU (Women)

12:30 n.h. -- UPHSD vs CSB (Women)

2:00 n,h. -- UPHSD vs CSB (Men)

PORMAL na makausad sa Final Four ang pupuntiryahin ng University of Perpetual Help sa pakikipagtuos sa College of St. Benilde sa tampok na women’s match ngayon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Centre sa San Juan.

Nasa ikatlong posisyon hawak ang barahang 6-2, tatangkain ng Lady Altas na makamit ang ikapitong panalo na pormal na magsusulong sa kanila sa susunod na round kasama ng mga naunang semifinalists Arellano University Lady Chiefs at San Beda College Lady Red Spikers.

Taglay ang markang 5-3, kapantay ng Jose Rizal University na sasabak sa unang women’s match ganap na 11:00 ng umaga kontra Lyceum of the Philippines University, kailangan ng Lady Blazers ng panalo upang patuloy na buhayin ang tsansa nilang makausad sa susunod na round.

Kung magwawagi parehas ang Lady Bombers at ang Lady Blazers, magkakaroon ng three-way tie sa third spot sa barahang 6-3.

Magkakaroon ng playoffs sa pagitan ng tatlong koponan para alamin kung sino ang dalawang koponang uusad ng semifinals para makatunggali ng dalawang twice -to -beat squads na Lady Chiefs at Lady Red Spikers.

Ngunit, kung kapwa naman matatalo ang JRU at ang CSB babagsak sila sa barahang 5-4, katabla ng San Sebastian College.

Pormal na uusad ang Perpetual bilang ikatlong semifinalist habang pag -aagawan ng St. Benilde at SSC Lady Stags ang pang -4 at huling final four berth sa pamamagitan ng playoff.