Ni Light A. Nolasco
RIZAL, Nueva Ecija - Nagawang kitilin ng isang binata ang sariling buhay dahil umano sa labis na depresyon, sa Barangay Poblacion Norte sa Rizal, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ni Chief Insp. Miguel Catacutan, hepe ng Rizal Police, na si Jhano de Guzman ay natagpuang nakabitin sa kanilang bahay, dakong 7:00 ng gabi.
Tinukoy naman ni Eutropia de Guzman, 53, na nagkaroon umano ng matinding depresyon ang kanyang anak matapos umanong makipagtalo sa live-in partner nito na isang overseas Filipino worker sa Qatar.