May 21, 2026

Home BALITA Internasyonal

Trump, sinadyang 'wag agad umalis sa shooting sa White House!

Trump, sinadyang 'wag agad umalis sa shooting sa White House!
Photo courtesy: AP

Pinaliwanag sa publiko ni United States (US) President Donald Trump na sinadya raw niyang huwag munang tumakas agad sa naganap na shooting at security incident habang nasa White House siya noong gabi ng Abril 25, 2026. 

Matatandaang lumisan si Trump kasama ang ilang matataas na opisyal ng bansa matapos magkaroon ng putukan sa White House kung saan ginaganap ang taunang press dinner.

Kinumpirma ng mga awtoridad na talagang may nagpapaputok sa lugar mula sa 31-anyos na suspek na nagngangalang si Cole Tomas Allen. 

Mapapanood sa nakunang video ng insidente sa White House ang mabilis na paglapit at paglilikas ng mga security agents Trump, kina Vice President JD Vance, Defense Secretary Pete Hegseth at Secretary of State Marco Rubio, at iba pa. 

KAUGNAY NA BALITA: Trump, lumikas matapos ang putukan sa White House

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala

Ayon naman sa naging panayam sa segment na “60 minutes” ng isang international news media outlet kay Trump noong Linggo (araw sa US), Abril 26, sinabi niyang tinangka raw muna niyang alamin nang personal ang nagaganap na sitwasyon sa nangyaring pagpapaputok ng baril sa dinaluhan niyang hapunan. 

“What happened is it was a little bit me, I wanted to see what was happening, and I wasn’t making it that easy for them. I wanted to see what was going on,” pagsisimula niya. 

Ani Trump, agad daw siyang napaligiran ng mga security agents at sinadya raw niyang huwag agad umalis sa kaniyang kinaroroonan nang maganap ang insidente upang makita muna ang nangyari. 

“By the time we started to realize, maybe it was a different kind of a problem, a bad one. And different that would be normal noise from the ballroom which you hear all the time,” aniya. 

Dagdag pa niya, “I was surrounded by great people. I probably made them act a little bit slower. I said, ‘Wait a minute, wait a minute, let me see.’” 

Pagpapatuloy pa niya, maglalakad na lang daw sana siya habang papalabas sa venue ng naturang event ngunit nakiusap daw ang mga mga security na yumuko at ibaba ni Trump ang kaniyang sarili sa sahig. 

“What happened is I started walking and they said, ‘Please go down on the floor.’ So I went down and the First Lady went down also but we were asked to go down by the agents as we went walking,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang nahuling suspek. 

KAUGNAY NA BALITA: Trump, itinangging gagamit sila ng nuclear weapon kontra Iran!