April 29, 2026

Home BALITA National

‘Dapat labanan ang terorismo, komunismo!’—Palasyo

‘Dapat labanan ang terorismo, komunismo!’—Palasyo
Photo courtesy: RTVM/YT


Nanindigan ang Malacañang na dapat umanong labanan ang terorismo at komunismo sa bansa.

Kasunod ito ng marching order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa komunismo, matapos ang pakikipagdayalogo nito sa executive committee ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kamakailan, para sa seguridad at kapayapaan sa bansa.

Sa press briefing na isinagawa ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Abril 27, nanindigan si PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na dapat labanan ang mga indibidwal na maaaring manggulo sa kapayapaan ng bansa.

“Dapat labanan ang terorismo, dapat labanan ang komunismo—‘yong mga maaaring nanggugulo sa ating bayan,” saad ni Usec. Castro.

“Basta dapat po legal ang ginagawa,” dagdag pa niya.

Naging maugong ang usapin ng seguridad sa Pilipinas matapos ang napaulat na engkuwentro ng mga armadong grupo at militar sa lalawigan ng Negros Occidental kamakailan, na nagresulta sa pagkamatay ng 19 na katao.

KAUGNAY NA BALITA: Liban kay Alyssa Alano: Isa pang UP student, namatay sa engkuwentro sa Negros Occidental-Balita