Ni Nora Calderon

NGAYONG medyo maluwag na ang schedule ni Marian Rivera dahil tapos na ang kanyang Super Ma’am serye, muli na siyang buwelo sa pagharap sa advocacies niya. Isa na rito ang “#Smile Train, na sa muling pakikipagtulungan sa mga namamahala nito ay nag-celebrate sila ng ika-50 libong cleft palate surgeries.

MARIAN copy

“Isang malaking karangalan para sa akin na makasama sa celebration ng 50th cleft palate surgeries ng #Smile Train. I am also honored, salamat po. Here’s to bringing more smiles to more children! Kung may kilala kayong may bingot o butas ang ngala-ngala, mag-text sa 0917-52-TRAIN (0917-52-87246) para mas maraming batang puwedeng ngumiti! Bagong ngiti, bagong buhay. #YanAngSmile @smiletainph.”

Kahayupan (Pets)

Asong nasagip mula sa dog meat trade, nangangailangan ng tulong

Mayroon din silang message na: “Working with Filipino doctors to give Filipino children new smiles.”

Kaya kung mayroon kayong kilalang mga bata na may bingot, tumawag lang sa number na ibinigay ni Marian, madali silang tutugon sa inyo. Hindi kami nabigo, dahil sa isang tawag lamang namin sa kanila ay naoperahan ang batang inilapit namin. Libre po ang lahat.

Nagbigay din si Marian ng seventy thousand pesos donations mula sa nga naipon niya mula sa ini-endorse niyang Kultura Filipino.

Sa nasabing event, natanong din si Marian tungkol sa pagkikita at pagbabatian nila ni Karylle nang dumalo sila sa opening ng store ni Michael Cinco sa Greenbelt 5, Makati City.

“Yes, nagkita kami at nagbatian,” nakangiting sagot ni Marian. “Ang tagal na noon, pareho na kaming happy ni Karylle sa aming mga pamilya.”