Ni NORA CALDERON

MARAMI kaming natatanggap na tanong sa Twitter mula sa regular viewers ng Kambal Karibal ng GMA-7 na tinatampukan ng youngstars na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara at Pauline Mendoza na nakikipagsabayan ng aktingan kina Ms. Gloria Romero, Carmina Villarroel, Jean Garcia, Marvin Agustin at Alfred Vargas, at Christopher de Leon.

Bianca & Kyline KK copy

Kambal kasi sa istorya sina Crisan (Bianca) at Crisel (Pauline). Namatay si Crisel na hindi iniwanan ng kaluluwa si Crisan. Pero dumating ang punto na naiinggit na si Crisel na bakit buhay ang kakambal at siya ay patay, kaya hindi niya nagawa ang mga gusto sana niyang gawin.

Human-Interest

Imburnal Girl, nagbibisyo: 'Hindi naman araw-araw!'

May adopted daughter sina Geraldine (Carmina) at Raymond (Marvin), si Cheska (Kyline) na mataray at laging inaaway si Crisan lalo na nang pumasok na si Diego (Miguel) sa buhay nila na pareho nilang minamahal. Kung noong una ay tinutulungan ni Crisel si Crisan laban kay Cheska ngayon ay pumasok na siya sa katawan ni Cheska nang mamatay ito sa sakit, kaya siya na ang kalaban ni Crisan.

Tanong ng netizens, na ipinarating namin kina Bianca at Kyline, hindi ba nagkakasakitan ang dalawa sa catfights nila?

“Kami po ni Kyline, bago magsimula ang take ng eksena na magkaaway kami, nag-uusap muna kami,” sagot ni Bianca.

“Hindi po para iwasan ang sampal o sabunot kundi para maramdaman namin iyong sakit, para makaarte kami ng tama.

Mahirap po kung mapapansin ng viewers na hindi totoo ang ginagawa namin.”

“Ako naman po, binibigyan ko ng importansiya ang koneksiyon namin ni Bianca, iyong galit ako sa kanya,” sagot ni Kyline. “Palagay ko po kasi iyon ang sekreto para magawa naming makatotohanan ang acting namin.”

Kapag natapos nang kunan ang eksena nila, nagyayakapan sila at humihingi ng sorry kung may nasaktan sa kanilang dalawa.

Nagpasalamat sina Bianca at Kyline sa malasakit ng televiewers at sa patuloy na pagsubaybay sa Kambal Karibal.

Napapanood sila gabi-gabi pagkatapos ng Sherlock, Jr.