Ni NORA CALDERON

THIRD wheel si Kiko Estrada sa Elmo Magalona-Janella Salvador love team sa Valentine’s Day offering ng Regal Films na My Fairy Tail Love Story kaya isa sa mga naitanong sa kanya sa grand presscon kung naba-bash na ba siya ng ElNella fans na very protective sa kanilang mga idolo.

Kiko Estrada - MFTLS copy

“I don’t know, hindi ko po alam dahil wala naman akong Twitter at Facebook sa social media, meron lang akong Instagram account,” sagot ni Kiko. “Kaya hindi ko alam kung may nangba-bash sa akin. Pero kung meron man po, wala naman akong pakialam sa kanila. I’m just doing my role, kung ano ang nasa script at kung ano ang ipinagagawa sa akin ng director naming si Perci Intalan. Pero sana panoorin muna nila ang movie para malaman nila kung ano talaga ang role na ginagampanan ko.”

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Sa movie, na sinulat nina Jun Robles Lana at Denoy Navarro-Punio ang screenplay, gumaganap si Kiko bilang si DJ Ethan na inakala ni Chantel (Janella) na siyang makapagpapabalik sa kanya sa pagiging tao mula sa pagiging sirena dulot ng isang sumpa.

Valentine’s Day ang showing ng movie, so sino ang date ni Kiko sa panonood ng kanilang movie?

“Loveless po ako, kaya ang personal date ko ang mama ko (si Cheska Diaz), siguro po manonood muna kami nitong movie, then dinner.”

Pagkatapos ng break-up nila ni Barbie Forteza, wala pang bagong nagiging girlfriend si Kiko. Mas hinarap daw niya ang trabaho. Wala pa siyang bagong project sa GMA, pero may ilang movies siyang ginagawa, ang isa ay ipu-produce ng manager niyang si Arnold Vegafria ng ALV Productions. Kung sakali ba, at may bago siyang drama series tulad ng huli niyang ginawang Sinungaling Mong Puso with Rhian Ramos, sino ang gusto niyang makatambal?

“Kung sino po ang ibigay sa akin ng GMA. Hindi ko po masyadong kilala ang iba pang actresses sa GMA pero nagagandahan po ako kay Sanya Lopez, napapanood ko siya minsan sa Haplos at nakikita kong bukod sa maganda, mahusay siyang umarte. Gusto ko na rin pong magkaroon ng bagong series, gustung-gusto kong umarte.”

Ang My Fairy Tail Love Story ay produced ng Regal Entertainment Inc, Regal Multimedia Inc. at The Idea First Company.

Nabigyan sila ng G (general patronage) classification ng MTRCB at showing na on February 14 in cinemas nationwide.