Ni NITZ MIRALLES

PINA-FOLLOW na uli ni Maine Mendoza si Alden Richards sa Instagram (IG), pero ayaw paniwalaan ng ibang fans -- lalo na ang solid fans ni Alden at ng iba rin namang members ng Aldub Nation ang sinabi ni Maine na napindot lang niya ang unfollow button.

Maine copy

“No bad blood here. Napindot lang talaga. Sorry na. Happy fiesta,” tweet ni Maine na pinagdiskusyunan pa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang katuwiran ng may mga IG account din, hindi madaling proseso ang pag-unfollow sa IG, bukod sa dalawang notification, may warning at tatanungin ka pa kung gusto mo talagang i-unfollow ang name sa IG.

Saka, bakit daw inabot ng 12 hours bago i-follow uli ni Maine si Alden sa IG? Nag-iisip tuloy ang iba na napagsabihan si Maine ng bossing ng Tape Inc., kaya pina-follow na niya uli si Alden.

Maganda ang suggestion ng isang AlDub fan na kung ayaw na nina Maine at Alden sa love team nila, pag-usapan nila ng maayos kasama ang management nila at sabay na i-announce sa kanilang fans.

“Para hindi na kami umasa, para walang galit sa mga dibdib namin at para maka-move on na kami,” sabi ng komento na nabasa namin.