Ni JIMI ESCALA

NAKABAKASYON si Maja Salvador sa ASAP dahil bukod sa malapit nang magwakas ang top-rating seryeng niyang Wildflower ay puspusan na rin ang rehearsals niya para sa pagbabalik niya sa concert scene.

MAJA_please crop copy copy

Sisimulan na niya ang much-awaited na Maja On Stage tour ngayong Linggo, Pebrero 4 sa IEC Convention sa Cebu at sa Pebrero 18 naman ang kasunod sa Big Box East Jurong, Singapore.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pagkagaling sa abroad, iuuwi ni Maja ang kanyang show para sa last leg sa KIA Theater sa Marso 23.

Ito ang ikaapat na fourth major concert ni Maja, nauna na ang Maj: The Legal Performer (2014), Majasty (2015) at “Only Maja” (2016).

“Eh, forever love ko ‘yon. Forever love ko ‘yong pagsu-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, babalik-balikan ko s’ya,” sabi ng dalaga.

Itinaon ang pagbabalik niya sa music scene sa nalalapit namang pagtatapos ng Wildflower.

“Sa totoo lang kasi, kung nasubaybayan ninyo ngayon ang Wildflower, hindi lang siya drama lang ngayon, action na rin siya ngayon. Kumbaga, parang lahat yata, eh, nasa show na namin. Kaya ako na rin ang nagpaalam pansamantala sa ASAP, sobrang madugo ang mga huling taping days namin ng Wildflower. Kaya nakiusap ako na hindi muna makakapag-ASAP hanggang hindi mag-end ang Wildflower,” sey ni Maja.

Ipinagmamalaki niya na umabot ng halos isang taon ang Wildflower at namamayagpag sa ratings. So, bakit kailangang tapusin?

“Almost a year na kami, kaya kailangan na ring magbabu. Halos nga lahat ng mga kasabay namin noon na nag-ere, eh, wala na, di ba? Kumbaga, nag-start na rin naman po mag-launch ng mga new teleseryes.

“Masayang-masaya na kami at umabot ng ganu’n katagal sa ere ang Wildflower. Wala na rin kaming mahihiling pa sa management. So, kundi man this year, parang siyempre, give chance naman nagro-rotate naman ‘yan,” katwiran ng aktres.

Pagkatapos ng teleserye at concert, paggawa ng pelikula naman ang aatupagin niya.