Ni Annie Abad

NANINIWALA si Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez na mas madaling maihahanda ang mga kabataang atleta sa kompetisyon kung may regular na torneo na nalalahukan.

Dahil dito, naghanda na ng kabuuang 42 Children’s Games ang PSC sa Visayas kung saan nakatutok ang atensyon ni Fernandez sa isinusulong na grassroots sports programs ng PSC sa rehiyon.

“We are going to have sports tournaments every quarter in Visayas. There is an allotted budget of 50k every month in Cebu for regular competitions for these athletes to be prepared,” pahayag ng four-time PBA MVP at basketball legend.

Sen. Pia Cayetano umalma sa bagong polisiya ng UAAP; labag daw sa batas?

“Kailangan kasi isabak sila every now and then kahit walang malaking competitions, para atleast they know and they wil be prepared pagdating ng malakihang competitions talaga. Hindi ‘yung dahil darating ang Paarong pambansa saka lang sila magsasanay. dapat hanggang maaga masanay na sila,”dagdag pa ni Fernandez.

Samantala, ipinahayag naman ng PSC na inurong muli ang pagtatanghal ng Philippine National Games (PNG) mula sa dating petsa na April 16-22 sa Mayo 19-25 sa Cebu City.

Ang nasabing torneo ay iniurong upang hindi magkasabay ang kompetisyon sa gagawing Palarong Pambansa na nakatakda naman sa April 16-26 sa Dumaguete City.