Ni Jun Fabon

Ipinaaaresto ng Sandiganbayan si dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay ng paghatol sa kanya sa kaso ng maanomalyang renewal ng small-scale mining permits.

Nabatid na si Reyes ay ipinaaresto ng Third Division ng korte matapos nitong aprubahan ang urgent motion na iihain nitong Enero 8 ng prosecution na kanselahin ang kanyang piyansa at agarang ikulong siya muli.

“Let a warrant of arrest be issued against accused Joel T. Reyes,” ito ang nakasaad sa Sandiganbayan division sa dalawang pahinang resolusyon.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Noong Enero 5 ay pinawalang-sala si Reyes ng Court of Appeals sa kasong murder kaugnay ng pagpaslang sa environmentalist at broadcaster na si Gerry Ortega noong 2011.