Ni Bella Gamotea

Arestado ang isang snatcher makaraang biktimahin ang isang aktor sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Nakakulong sa Makati City Police ang suspek na si Johaidy Amal y Permites, 22, nakatira sa No. 8593 San Jose Street, Barangay Guadalupe Nuevo ng nasabing lungsod.

Kinilala ang biktima na si Robert Angelo, Jr. y Bonoan, 23, residente ng No. 214 Banayan, East Raya Gardens, Pasig City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inisyal na ulat na ipinarating ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa panulukan ng 12th at Kalayaan Avenues, Bgy. East Rembo, Makati City, dakong 6:45 ng gabi.

Nakatayo ang biktima at hawak ang kanyang iPhone 7 nang sumulpot at hinablot ng suspek.

Tinangkang tumakas ng suspek, ngunit agad nakahingi ng tulong ang aktor sa mga bystander na naging sanhi ng pagkakaaresto ni Amal at nabawi ang kanyang ninakaw sa biktima.

Isang concerned citizen ang nag-report ng insidente sa nagpapatrulyang pulis at itinurn over sa kanila ang suspek.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Amal sa Makati Prosecutor’s Office.