Robin, Jodi at Richard
Robin, Jodi at Richard

NGAYONG umaga na mapapanood ang Sana Dalawa Ang Puso na bagong serye nina Robin Padilla, Richard Yap at Jodi Sta. Maria kapalit ng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sa teaser ng SDAP, may wedding scene sina Richard at Jodi katulad ng Be Careful with My Heart na nagpakilig sa buong mundo, kaya nga umabot sa almost 2 years ang programa at dito rin nabuo ang Jo-Chard love team mula sa GMO unit.

Inaabangan ng televiewers ang Sana Dalawa ang Puso at matagal na nilang hinihintay pagbabalik-tambalan nina Jodi at Richard.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero hindi solo ng Jo-Chard ang Sana Dalawa Ang Puso dahil kasama si Robin. Sa ilang eksenang ipinakita ay may kilig din sina Binoe at Jodi bilang si Lisa sa kuwento.

Ang isa pang karakter na ginagampanan ni Jodi ay si Mona na titibo-tibong kumilos dahil lumaki sa sabungan pero kapag nakakita naman ng lalaking crush niya ay nagiging babae at si Martin (Richard) iyon na nakatakdang ipakasal na ng magulang niya sa anak ng business partners nila.

Curious kami kung isasama rin ba ang awiting Titibo-tibo ni Moira de la Torre bukod sa version ni Jona bilang isa sa soundrack ng Sana Dalawa ang Puso.

Ang Sana Dalawa Ang Puso ay handog ng Star Creatives. - Reggee Bonoan