Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Naaagnas na nang natagpuan sa bulubunduking bahagi ng Zone 4 sa Barangay Villa Floresta sa San Jose City, Nueva Ecija, ang isang lalaki na pitong buwan nang nawawala makaraang dukutin ng mga hindi nakilalang suspek.

Kinilala ng mga kaanak ang naaagnas nang bangkay ni Lorenzo Domingo y Garcia, 73, may asawa, tauhan ng Small Town Lottery (STL), residente ng Zone 11B, Sitio Sanpugo, Bgy. Kita-Kita, na nadiskubre nitong Miyerkules sa pagkakahandusay sa damuhan sa Bgy. Villa Floresta.

Positibong kinilala ni Bayani Domingo y Garcia, 35, ang kapatid, na ayon sa kanya ay dinukot sa terrace ng bahay nito noong madaling araw ng Hunyo 3, 2017 ng mga lalaking nakasuot ng bonnet, at isinakay sa van.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog