Leonardo Esguerra (20) ng JRU Heavy Bombers (PBA Images)
Leonardo Esguerra (20) ng JRU Heavy Bombers (PBA Images)

Ni Marivic Awitan

PASADO ang pinakabatang head coach ng liga na si Gio Lasquety sa kanyang unang pagsubok makaraang mapataob ng kanyang Jose Rizal University ang Mila’s Lechon, 96-67, sa PBA D League..

Buhat sa apat na puntos na kalamangan sa first quarter, umagwat ng 10 puntos ang Heavy Bombers sa halftime, 39-29, sa pangunguna ni Paolo Pontejos na ipinoste ang walo sa kanyang kabuuang 14 puntos sa second quarter.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Mula roon, di na nakahabol pa ang Mighty Roasters na lalo pang nabaon, makaraang paulanan ng triples ng Heavy Bombers.

“Sobrang saya kasi iba pala yung pakiramdam na ikaw yung nagga-guide sa kanila kesa yung naglalaro, “ pahayag ng 24-anyos na mentor na tumayong playing assistant coach ng Heavy Bombers sa NCAA noong nakaraang season.

Nagtapos na topscorer para sa Heavy Bombers ang ex pro na si Jeckster Apinan na may 20-puntos kasunod ang free agent na si Ervin Grospe na may 16-puntos.

Nanguna naman sa Mila’s Lechon si Leo Gabo na may 14-puntos.