Ni Brian Yalung

ANIM na koponan ang magtutuos sa National Finals ng Philippine Collegiate Champions League 3x3 (PCCL) basketball tournament.

Punong-puno ng aksiyon ang mga nakalipas na elimination round, kabilang ang panalo ng University of the Visayas kontra University of San Jose Recoletos, 47-43, para sa Visayas Leg at ang laban ng Trace College kontra University of Nueva Caceres, 51-45,para sa South Luzon leg.

Hindi rin pahuhuli ang makapigil-hiningang Mindanao leg na tinampukan ng panalo ng Southern Philippines College kontra Southern City College, 46-44.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang Metro Manila ay kakatawanin ng Our Lady of Fatima University, nawagi laban sa Colegio de San Lorenzo, 50-48.

Magtutuos ang limang regional winners kasama ang NCAA Champion Arellano University para sa National Champion.

Mapapanood ang huling ratsadahan sa Sabado (Jan. 27) ganap na 10:00 ng umaga sa Vista Mall sa Taguig. Libre ang panonood na posible ring sundan sa Facebook.com/PCCLeague.

Nakipagtambalan ang PCCL sa FOX Sports Networks para maipalabas ang liga sa ayos.