By Nora Calderon

FEELING ni Matt Evans matagal na siyang Kapuso sa unang teleserye niya sa GMA-7, ang fun investigative series na Sherlock Jr. Hindi kasi siya masyadong nanibago maging sa first day ng trabaho niya. Pero bakit nga ba siya umalis siya sa ABS-CBN?

[caption id="attachment_284278" align="alignright" width="212"]????????????????????????????????????

“Siguro po, gusto ko na ring magkaroon ng bagong environment,” nakangiting sagot ni Matt. “Saka parang ang dami na po namin doon, hindi po naging madali ang desisyon kong lumipat, pero na-realize ko rin po na kailangan ko namang kumita dahil may apat na kaming anak ng misis ko, na kailangang bigyan ko ng magandang future. May three kids kami ng wife ko at may isa akong anak sa first girlfriend ko, nasa mommy niya siya.”

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Sa trailer pa lamang ng bagong serye, alam nang kontrabida si Matt bilang si Dindo Carazo, anak ng politician na si Lawrence Carazo (Tonton Gutierrez), maangas at gusto ring maging politician.  

Bakit hindi bida ang role na ibinigay sa kanya?

“Tinanong po ako nina Ms. Lilibeth Rasonable kung ano raw ang role na gusto ko, sabi ko po, mas gusto ko ang character roles, dahil mabilis maka-penetrate ang mga ganoong role sa televiewers. Natuwa naman po ako nang ito ang ibinigay na role sa akin, ‘tapos ang director pa namin si Rechie del Carmen, na nakatrabaho ko na sa kabila, kaya po kabisado ko na rin ang working habits niya. 

“Simula pa lang ng taping, relax na po ang feeling ko, kaya sabi ko, nababagay na ako rito. Maganda ang working relationship namin at pagkatapos ng work, uwi na ako sa bahay. Saka bago po kasi kami nagsimula ng teleserye, ilang beses na rin akong nakapag-guest sa ibang shows ng GMA 7, kaya palagay na ang loob ko sa mga kasama ko.

It’s nice working kasama ang mga artistang ngayon mo lang makakasama, like sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, ang bida ng serye, si Janine Gutierrez, at ang mga bagong young stars ng Kapuso.”

Napansin namin na slim si Matt, ni-require ba siyang magpapayat para sa role niya?

“Hindi po kasi matagal naming ginawa ang Goyong, ang life story ni General Gregorio del Pilar, played by Paulo Avelino. At least po natapos na namin ito at nasa post-production na lang kami, saka naman nagsimula itong Sherlock Jr.”

Contract artist si Matt ng Triple A Productions headed by Rams David at nag-try muna siyang pumirma for two years.

Masaya siya sa maayos na pag-aalaga sa kanya at iba pang contract artist nila sa said production.

Sa Monday, January 29 na ang pilot telecast ng Sherlock Jr. na papalit sa matatapos nang Super Ma’am ni Marian Rivera, pagkatapos ng24 Oras.”