Ni NORA CALDERON

CERTIFIED millennial si Brian Gazmen, youngest sa tatlong anak ni Iriga City Mayor Madel Alfelor Gazmen. At 17, Grade 12 na siya sa Ateneo University at graduating na sa June. By August, magsisimula na siyang mag-college and will take up Business Management. Into politics ang family nila, pero ayaw ni Brian na pasukin ang politics.

Brian Gazmen copy

Bata pa ay hilig na niyang kumanta at dinig naman sa first single niyang Ayoko Nang Makarinig ng Love Song na komposisyon ng multi-awarded composer and director na si Joven Tan.  

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Paano pinaghandaan ni Brian ang pagpasok niya sa showbiz?

“Happy po ako na nabigyan ng chance na makapag-record ng kanta. Nag-join po ako ng workshop sa singing at acting,” kuwento ng binatilyong newcomer. “Into theater po muna ako dahil nag-join ako ng Trumpets na usually ang kinakanta namin ay mga Broadway songs.

Pero mas una akong nakapasok sa acting, gumanap ako sa isang episode ng Ipaglaban Mo sa ABS-CBN. Nakapag-guest din po ako sa Seven Sundays movie ng Star Cinema. Nakapag-guest din po ako sa La Luna Sangre.”

Hindi ba siya pinigilan ng parents niya na pasukin ang showbiz, lalo pa at mag-isa lang siya sa Manila, padalaw-dalaw lamang sa kanya ang Mommy Madel niya?

“Hindi po naman nila ako pinigilan dahil nakita nilang passion ko na ito noon pa, lalo na ang pagkanta, in fact very supportive sila sa akin, ang parents ko at ang older brother and sister ko. May advice lang sila sa akin, lalo na si Mommy, na huwag akong magbabago kung maging successful na ako, laging magpapakumbaba at laging magdadasal. At hindi ko dapat pabayaan ang studies ko.”

Present si Mayor Madel sa first presscon ni Brian to give him full support.

Bagamat sinabi niya kay Direk Joven ang gusto niya na dedicated nga ito sa millennials at nagustuhan niya ang pagka-offbeat ng music at masaya, itinuturo na kung mabigo ka man sa pag-ibig, life must go on, huwag mawawalan ng pag-asa, bakit nga ba ganoon ang title ng kanta? 

Biniro tuloy si Brian kung nabigo na ba siya sa pag-ibig? 

“Hindi po, hindi pa po ako nanliligaw kaya wala po akong girlfriend. Tutok po talaga ako sa studies ko at sa career na pinasok ko. May hinahangaan lang po akong artista, si Julia Barretto. Si Liza Soberano po naman, sobrang ganda kahit wala siyang make-up. Paborito ko namang singers sina Michael Buble at sa local, si Michael Pangilinan.”

Nowadays, kahit ang aspiring artists pa lamang ay bina-bash na sa social media, ready na ba siyang ma-bash kapag lumabas na ang first single niya?

“Ready na po ako dahil alam kong kasama na ito sa pinasok ko sa showbiz. Pero iimbitahan ko silang samahan ako sa launch at release ng first single ko sa Spotify sa Friday, January 26.”

Ang first single ni Brian ay may music video na rin, na kinunan ni Direk Joven sa pamosong Misibis Bay sa Cagraray, Bagacay, Albay.