Ni Nitz Miralles

KINONTRA ng isang supporter ni Janine Gutierrez ang comment ni Gabbi Garcia na, “Janine is actually good looking!!!

Ruru, as well! Stop the hate.”

Ito’y bilang sagot ni Gabbi sa comment ng fan nila ni Ruru na “pangit” si Janine. Nagselos yata ang GabRu fan dahil sa first part ng Sherlock Jr., si Janine ang kapareha ni Ruru.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

gabbi-garcia copy copy

Sagot ng supporter ni Janine kay Gabbi, “Janine’s not just good looking, she’s a knockout.”

Hindi na sumagot si Gabbi na either hindi nabasa ang comment ng supporter ni Janine o hindi na lang sinagot para hindi na humaba ang isyu.

Bago pa mag-away-away ang fans nina Janine at Gabbi, hindi sila magkaaway at walang kompetisyon. Ang ilang fans lang nina Ruru at Gabbi ang may isyu kay Janine, pero knowing the two, hindi na nila ito palalakihin.

Saka, nothing to worry ang GabRu na mabaling kay Janine ang atensiyon at puso ni Ruru dahil may Rayver Cruz na si Janine. Ang sabi sa amin, hindi pa magkasintahan ang dalawa, pero wagas kung mag-holding hands at naaakbayan na ni Rayver si Janine.

Sa presscon kagabi ng Sherlock Jr., nasagot naman siguro ng production ang tanong kung bakit special participation lang sa action series si Janine. Kung bakit bilang si Irene, mabilis mawawala ang kanyang karakter.

Sa January 29, sa direction ni Retchie del Carmen ang pilot ng Sherlock Jr. kapalit ng magtatapos nang Super Ma’am.

Ang Golden Retriever na si Siri ang isa pang bida ng teleserye.