Ni NITZ MIRALLES

MAY exclusive interview kay Claudine Barretto si Jessica Soho sa Kapuso Mo Jessica Soho last Sunday. Inamin ni Claudine na every month, may check-up siya kay Dra. Bernadette Manalo na na-diagnose siyang may panic attack.

claudine copy copy

Ang pagkamatay ng ex-boyfriend niyang si Rico Yan ang isa sa mga rason kung bakit may panic attack si Claudine at kung bakit nagti-take siya ng maintenance medicine.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

“Hanggang ngayon, dala-dala ko pa ang nangyari kay Rico. Hindi pa ako naka-grieve at nakaiyak nang husto. Work lang ako nang work, gusto ko lang mapagod. I wasn’t able to say goodbye bago siya nawala,” kuwento ni Claudine

Kahit daw nag-asawa siya at nagkaanak, hindi pa rin niya nalimutan si Rico at nagpasalamat siya na supportive sa kanya ang ex-husband niya (Raymart Santiago).

Isa sa mga tanong ni Jessica kay Claudine ay kung ano ang pinakamatindi niyang panic attack?

“It happened two years ago. I thought I was dying. I can’t breathe. Ang feeling ko, I’m drowning. Para akong aatakihin sa puso, para akong tatalon sa building. Hindi ko alam kung paano ako pupunta sa ER (emergency room) at paano i-explain sa doctor. Sasabihin nila baliw ako. Hindi nila alam ang mental torture na pinagdadanan ko.”

Ang New Year’s resolution ni Claudine ay ang i-prioritize ang mental health at hindi na siya worried sa magiging epekto sa kanya at sa kanyang career ang pag-aming nagpapagamot siya sa psychiatrist.

“Nagamit na ako d’yan just because I’m seeing a psychiatrist at sinasabi nila baliw ako. Now, I just want to help,” ayon pa kay Claudine.

Bago umere ang interview ni Claudine sa KMJS, nag-post siya sa Instagram (IG) ng, “Yes I do see a Psychiatrist! I’m proud to have my Doctor/Mentor/sister as my Doctor. Thank u Doc Babes i luv & look forward talking & seeing & bonding with u. through my ups & downs your words of wisdom, compassion & luv keeps me going. I’m PROUD to be your patient.”

Natutuwa si Claudine sa reaction ng netizens na nakabasa ng pag-amin niyang komukonsulta siya sa psychiatrist.

Positive ang comments at marami siyang nakumbinsi na magpatingin din sa psychiatrist at marami pala ang nakakaranas din ng kanyang mga pinagdaanan.

Isa rin sa mga napansin ng viewers ang malaking ipinayat ni Claudine at wish nila, magtuluy-tuloy ang kanyang pagpayat. Hinihintay din ng fans ni Claudine ang pagbabalik niya at pagiging active uli sa showbiz.

“Hopefully, soon makagawa ng movie and we are shooting in February. I think I’m doing a show or a movie,“ pagtatapos ni Claudine.