Cleveland Cavaliers' LeBron James (23) drives to the basket against Oklahoma City Thunder's Patrick Patterson (54) in the first half of an NBA basketball game, Saturday, Jan. 20, 2018, in Cleveland. (AP Photo/Tony Dejak)

HOUSTON (AP) — Binigo ng Houston Rockets ang asam na road game winning streak record ng Golden States Warriors sa dominanteng opensa nina James Harden at Chris Paul – dalawang star player na hindi napabilang sa starter ng All-Star Game – nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Toyota Center.

Hataw si Paul sa nakubrang 33 puntos at 11 rebounds, habang kumana si Harden ng 22 puntos, tampok ang magkasunod na opensa laban sa depensa ni Stephen Curry para sandigan ang Rockets sa 116-108 panalo para tuldukan ang 14-game road winning streak ng defending champion.

“Obviously they’re a championship caliber team for the past four years ... and that’s what we’re trying to build our way up to,” pahayag ni Harden.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Nasalpak ni Harden ang stepped back three-pointer sa harap ni Curry sa buzzer para sa 114-108 bentahe may 1:10 ang nalalabi. Matapos nito, nabutata niya ang pagtatangka ni Curry sa 3-point. Nagdagdag ng dalawang free throw si Paul sa krusyal na sandali para sa final iskor.

Ito ang unang kabiguan ng Golden State sa labas ng Oracle Arena mula noong Nov. 22. Naunang naitala ng Warriors ang pitong sunod na panalo sa Toyota Center.

“It’s been a good streak, disappointing end to it,” pahayag ni coach Steve Kerr. “But we didn’t deserve to win tonight. We played pretty poorly, did a lot of things to hurt ourselves and we’re playing a great team. Can’t get away with it.”

Nanguna si Kevin Durant sa Golden State sa naiskor na 26 puntos, habang tumipa sina Draymond Green at Curry ng 21 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod.

THUNDER 148, CAVS 124

Sa Cleveland, sa harap nang nagbubunying home crowd, hiniya ng Oklahoma City Thunder ang Cavaliers sa gabing naghahanda ang lahata para ipagdiwang ang 30,000 career points ni Lebron James.

Ngunit, naudlot ang lahat nang malimitahan ang four-time MVP sa 18 puntos at kapusin ng pitong puntos para sa scoring mark at gapiin ng Thunder sa dominanteng paraan. May pagkakataon siyang makumpleto ang ratsada sa Martes (Miyerkules sa Manila) sa San Antonio.

Hataw si Paul George sa naiskor na 36 puntos, habang kumubra si Russel Westbrook ng 23 puntos at 20 assists at tumipa si Carmelo Anthony ng season-high 29 puntos.

Kung sakali, makakasama si James sa listahan na kinabibilangan nina Kareem Abdul-Jabbar (38,387 puntos), Karl Malone (36,928), Kobe Bryant (33,643), Michael Jordan (32,292), Wilt Chamberlain (31,419) at Dirk Nowitzki (30,808).

WOLVES 115, RAPTORS 109

Sa Minneapolis, nilantakan ng TimberWolves, sa pangunguna nina Andrew Wiggins at Karl-Anthony Towns na may 29 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod ang Toronto Raptors.

Sa kabila ng hindi paglalaro ni leading scorer Jimmy Butler, mabangis ang Wolves para tuldukan nang maagang pagkakataona ng two-game skid.

Nanguna si Kyle Lowry sa Toronto sa nahugot na season-high 40 puntos mula sa 14-for-25 shooting, kabilang ang 6 of 10 sa three-pointer.

JAZZ 125, CLIPPERS 113

Sa Salt Lake City, hataw si Donovan Mitchell sa nakubrang 23 puntos para sandigan ang jazz kntra sa Los Angeles Clippers.

Sa kabila ng hindi paglalaro ni starting guard Rodney Hood bunsod ng injury sa paa, nadomina ng Jazz ang Clippers na natuldukan ang six-game winning streak.

Nag-ambag si Joe Ingles ng career-high 21 puntos sa Jazz.

Nanguna sa Clippers si Lou Williams na may 31 puntos, 10 steals at pitong assists, habang tumipa si Blake Griffin ng 25 puntos at walong rebounds.

SIXERS 116, BUCKS 94

Sa Philadelphia, ratsada si Joel Embiid sa naiskor na 29 puntos at siyam na rebounds sa panalo ng Sixers kontra Milwaukee Bucks.

Nag-ambag si Ben Simmons ng 16 puntos at siyam na assists, habang tumipa si Timothe Luwawu-Cabarrot ng 16 puntos para sa Sixers (22-20) apat para lagpasan ang Milwaukee (23-22) sa ikaanima na puwesto sa Eastern Conference.

Nanguna si Khris Middleton sa Bucks na may 23 puntos at 14 rebounds.

Sa iba pang laro, ginapi ng New Orleans Pelicans ang Memphis Grizzlies 111-104; at naungusan ng Miami Heat ang Charlotte Hornets, 106-105.