Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan – Arestado ang isang barangay chairman matapos niyang pagbabarilin at mapatay ang isa sa kanyang mga kagawad habang nagpapatrulya sila sa Barangay Aliwekwek sa Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Supt. Fidel Junio, hepe ng Lingayen Police, bandang 10:25 ng gabi nitong Huwebes nang rumesponde ang mga pulis sa isang barilan sa Bgy. Aliwekwek, nang ilang beses na paputukan ng baril ni David Lomibao, 61, chairman ng nasabing barangay, ang kagawad niyang si Jessie Estrada, 31 anyos.

Hindi na umabot nang buhay sa Lingayen District Hospital si Estrada, habang kaagad namang inaresto si Lomibao.

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba

Sinabi ng pulisya na nagpapatrulya sila nang makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilang armadong lalaki na nag-iikot sa maisan, at sumama sa kanila ang grupo ni Lomibao.

“Umikot sa maisan at biglang lumitaw (si Estrada), nabigla siguro si Kapitan at pinagbabaril na akala mga salarin,” ayon sa pulisya.

Tatlong tama ang bala ang ikinasawi ng kagawad.