Ni ADOR SALUTA

NAGING emosyonal sina Sofia Andres at Diego Loyzaga nang tanungin sa farewell presscon ng Pusong Ligaw kung sino ang nami-miss nila sa pagtatapos ng teleserye (nagtapos na last Friday).

SOFIA AT DIEGO copy copy

“Kasi ‘yung mga tanong n’yo...,” sabi ni Sofia. “Siyempre hindi namin maiwasang mapaisip at malungkot.”

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Pero kahit may separation anxiety, excited naman sila sa Mama’s Girl na first movie nila bilang magka-love team under Regal Entertainment (showing na simula nitong Miyerkules).

“At least, dire-diretso po kami. After ng teleserye, meron naman kaming pelikula. Kaya lang sobrang nakakakaba po.

Please po, tulungan n’yo kami sa Mama’s Girl,” pakiusap ng dalaga.

Isa sa nagpapakaba sa kanila ni Diego ang pagtatapat ng kanilang pelikula at ng Ang Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban.

“And hindi lang po ‘yon, kasi marami ring mas sikat na love team kesa sa amin kaya we’re really trying our best na… (may mapatunayan). We know naman po that we can pero sana po bigyan din kami ng pagkakataon.

“Kabado po ako… Kasi ako ‘yung mama’s girl, eh. Either hit it or… alam n’yo ‘yon? Basta prayers na lang po,” sabi pa ni Sofia.

Aminado rin si Diego na ramdam talaga nila ang pressure.

“Of course, meron talaga, whether it comes from ABS-CBN or our families or even our fans, lagi naman. I mean, diamonds are made up of pressure, so if we turned out like diamonds, eh, di ang ganda,” magandang paghahambing ng young actor.

Kasama nina Sofia at Diego sa Mama’s Girl sina Jameson Blake, Sylvia Sanchez, Karen Reyes at marami pang iba, under the direction of Connie Macatuno.

Samantala, after Pusong Ligaw ay may kasunod na project na agad si Sofia sa ABS-CBN, ang Bagani. Hindi pa sure ng dalaga kung makakasama rin niya si Diego sa naturang proyekto.

“Hindi ko pa po alam. Nagti-taping pa lang po kami. Pero I’m praying na makasama siya.”