Ni Rommel P. Tabbad
Isinara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Region 11 ang aabot sa 30 istasyon ng radyo ngayong taon dahil sa kawalan umano ng permit mula sa komisyon.
Sa pahayag ni NTC-Region 11 Director Nelson Cañete, sampung istasyon sa Davao del Norte ang nag-o-operate sa kabila ng kawalan ng mga ito ng papeles mula sa ahensoya.
Aabot naman sa limang istasyon sa rehiyon ang gumamit ng radio frequency nang walang permiso mula sa NTC.
Labindalawang istasyon naman sa Davao Oriental ang hindi tumalima sa standard ng transmitter, habang 13 radio station sa Compostela Valley ang ilegal na nagbo-broadcast.