Ni Jun N Aguirre

KALIBO, Aklan - Umabot sa 1,495 pulis ang ipinakalat ng Police Regional Office (PRO)-6 para maisakatuparan ang zero major crime incident sa Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan.

Ayon kay PRO-6 director Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, bantay-sarado ng kanyang mga tauhan ang kapistahan laban sa mga krimen, ilegal na droga, at maging banta ng terorismo.

Sa isinagawang Major Event Security Framework Plan ng Philippine National Police (PNP), tanging ang official drone lamang ng pulisiya ang papayagang lumipad sa festivity area ng Ati-Atihan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ayon kay Binag, nagpadala na ng sulat ang National Telecommuncations Commission (NTC) kaugnay ng gagawing signal jamming sa Linggo, Enero 21, sa lugar na pagdarausan ng prusisyon at misa.

Katuwang din ng pulisya sa pagbabantay sa Ati-Atihan ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).