Ni Erwin G. Beleo

SAN FERNANDO CITY, La Union – Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang 12 oras na pagkawala ng kuryente sa dalawang bayan at isang lungsod sa La Union bukas, Enero 20.

Maaapektuhan ng brownout ang mga consumer ng La Union Electric Company, Inc. (LUECO) sa mga bayan ng Bauang, San Juan, at San Fernando City.

Inihayag ni Lilibeth Gaydowen, North Luzon Corp. communications and public affairs officer ng NGCP, na ang power shutdown ay para bigyang-daan ang taunang maintenance ng power transformer sa substation ng Bauang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog