Ni Gilbert Espeña

PINATUNAYAN ng 19-anyos na si James Enterina na siya ang papalit kina dating world rated Jason Pagara at Czar Amonsot sa super lightweight division matapos niyang talunin sa puntos si one-time world title challenger Ciso Morales kamakailan sa Barangay Saint Felomina, Iligan City, Lanao del Norte.

Bukod sa napaganda ni Enterina ang kanyang kartada sa perpektong 9-0-1 na may 4 panalo sa knockouts, tiyak na lalaban na siya para sa Philippine title sa hinaharap.

Ito naman ang ikalawang sunod na pagkatalo ni Morales matapos siyang mapatulog ng Hapones na si Shuya Masaki sa sagupaan sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan noong Oktubre 7, 2017.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa edad na 30-anyos, nasa bingit nan g pagreretiro si Morales na may kartadang 19-6-1 win-loss-draw na may 12 pagwawagi sa knockouts.