Ni PNA

Pitong katao ang binawian ng buhay sa Eastern Visayas dahil sa baha at pagguho ng lupa bunsod ng malakas na buhos ng ulan sa nakalipas na apat na araw, iniulat kahapon ng Office the Civil Defense (OCD).

Inihayag ni OCD Regional Director Edgar Posadas sa isang panayam na sa pitong nasawi, apat ang mula sa Tacloban City, Leyte, na binawian ng buhay makaraang madaganan ng bumigay na pader at matabunan ng lupa nitong Sabado ng gabi sa Quarry district.

Natapos ng rescue team ang paghahanap sa labi ng mga biktima nitong Lunes.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Mondragon, Northern Samar, nalibing naman nang buhay ang isang motorcycle rider sa mudslides, Sabado ng tanghali.

Sa bayan ng Catarman, nakuryente ang isang lalaki makaraang lumusong sa baha nitong Linggo.

Sa Jaro, Leyte, nalunod ang isang lalaki nang maanod ng malakas na agos ng tubig habang tumatawgid sa sa rumaragasang ilog nitong Linggo.

Nagpahayag ng kalungkutan si Posadas, pinuno ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council, nang matanggap ang mga kaso ng pagkamatay, sa kabila ng kawalan ng bagyo.

Simula nitong Sabado, nakaramdam na ang Eastern Visayas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan bunsod ng buntot ng cold front.