Ni Gilbert Espeña

TINANGHAL na kampeon sina Dr. Alfredo Paez at Philippine chess prodigy eight year old Al Basher “Basty” Jumangit- Buto sa kani-kanilang dibisyon sa katatapos na first-ever Coffeekoy Pichakai Executive at Kiddies-Youth Rapid Chess Tournament sa Coffeekoy Pichakai coffee shop, Village East, Executive Homes sa Cainta, Rizal kamakalawa.

Nakalikom ang dentistang si Paez ng 4.0 na puntos para magkampeon sa executive division habang si Buto ay dinomina ang Kiddies-Youth division na may perfect run 5.0 puntos sa limang laro sa one day event.

Binuksan ni Paez ang kanyang kampanya matapos manaig kay Atty. Rodrigo Artuz sa Round 1, pero natalo kay Engr.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Benjamin Esquejo sa Round 2, at nakabalik sa kontensiyon matapos manaig sa kanyang huling tatlong laro kontra kina Sales Director Samivin V. Delos Santos ng SM Development Corporation, DepEd Manager Jason Rojo at Sales Manager Jose Villaceran.

Tinanggap ni Paez ang top prize P1,000 plus Coffeekoy Pichakai elegant trophy at unique Dark Queen Trophy ni chess enterpreneur/businessman Arturo Turbanada.

Sa panig ni Buto, nakamit niya ang Kiddies P500 top prize plus Coffeekoy Pichakai elegant trophy at customized chess box ni chess enterpreneur Arturo Turbanada.