Ni Nitz Miralles
ENJOY si Dennis Trillo sa The One That Got Away at sa role niya bilang si William Dominic “Liam” Ilustre, ex-boyfriend nina Alex Makalintal (Lovi Poe), Darcy Sibuyan (Max Collins) at Zoe Velasquez (Rhian Ramos).
Mayaman, guwapo, ideal boyfriend, smart, loving, at true gentleman si Liam na namamahala ng kanyang sariling organic farm.
“Ang ganda ng show para sa start ng year. Magandang pang-warm-up, light lang, matutuwa lang ang manonood. Mag-i-enjoy pa ang viewers dahil sa three leading ladies ko. Ngayon lang nangyari sa isang show na tatlo ang leading ladies ko.
Masaya ito,” panimula ni Dennis nang mainterbyu namin.
Pero, apat actually ang leading lady ni Dennis sa TOTGA dahil may current girlfriend si Liam, si Chanel (Sophie Albert).
“Tameme ako ‘pag kasama ko sila. Nahihiya akong mag-start ng conversation, pero okay naman silang tatlo o apat. Okay lahat ang kasama ko rito,” patuloy ni Dennis.
Paano niya ilalarawan ang mga leading lady niya?
“Si Lovi, sexy siya. Siya ang premyadong aktres at nakasama ko na sa Regal Films movie na Thy Neighbor’s Wife. Si Max, nakaka-intimidate noong una dahil sharp ang features, pero sobrang bait pala. Ngayon ko lang siya makakatrabaho.
Si Rhian, she’s one of the boys at gusto mong maging best friend. Mahilig siya sa cars at car racing. Masuwerte ako to work with them,” pagtatapos ni Dennis.
Nag-pilot na ang TOTGA kagabi at tiyak na isa sa mga napansin ang “very now” na istorya at dialogue, maliwanag na ilaw, high fashion at yayamanin na locations. Lalo na ang karakter ni Dennis na ang ginamit na bahay ay ang Hacienda Isabella ni Kuh Ledesma sa Indang, Cavite.
Sa direction nina Mark dela Cruz at Rado Peru, tatakbo ng one season o 13 episodes ang TOTGA, pero open ang production kung mai-extend ang sexy rom-com series ng ilang linggo.