Ni Lyka Manalo
LIPA CITY, Batangas - Isinusulong ng pamahalaang lunsod ng Lipa na mabigyan ng cash aid ang bawat estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan bilang lokal na bersiyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.
Ayon kay Gng. Bernadette Sabili, maybahay at chief of staff ni Mayor Meynard Sabili, mag-eendorso ng liham kahilingan ang lokal na ehekutibo upang maaprubahan sa Sangguniang Panlungsod (SP) ang nasabing programa.
Aniya, makakatanggap ng financial assistance ang may mahigit 20,000 estudyante sa elementary at high school sa ilalim ng ‘Sagip Eskwela’ program.
Sa kasalukuyan ay may 8,000 estudyante ang nabibigyan ng ayuda ng lokal na pamahalaan.