Muling binuksan sa magagaang sasakyan ang tulay ng Caraycaray sa Biliran-Naval Circumferential Road sa lalawigan ng Biliran na sinira ng bagyo, ipinahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa advisory, sinabi ni Assistant District Engineer Alfredo Bollido ng DPWH Biliran District Engineering Office ang Caraycaray Bridge na isinara sa trapiko matapos tangayin ng agos dulot ng paghagupit ng bagyong “Urduja” noong Disyembre 16, 2017 ay binuksan na sa 4-wheel light vehicles, motorsiklo at traysikel. - Mina Navarro

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter