Ni JIMI ESCALA

Boy Abunda
Boy Abunda
MASAYANG-MASAYA si Boy Abunda sa pagpasok ng 2018. Kasama raw niyang nag- celebrage ng Kapaskuhan ang ina niyang si Nanay Lesing Abunda at siyempre ang sinasabing life partner niyang si Bong Quintana.

Pero marami pa raw ang rason kung bakit kailangan niyang magpasalamat sa Diyos, pinakamagandang blessing ang natanggap niya last year na makasama pa rin nang matagal at malusog ang kanyang Nanay Lesing.

Iilan ang nakakaalam na ilang taon nang labas-pasok sa ospital ang ina ng King of Talk. Hindi birong pera ang pinakawalan ni Boy para lang gumaling ang kanyang ina.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Pero sa tuwing maoospital si Nanay Lesing ay hindi alitana ni Boy Abunda ang gastos, at sa sa totoo lang naman ay walang ibang tumutulong sa kanya.

Tahimik lang naman lagi si Kuya Boy tuwing naka-confine sa isang de-kalibreng ospital ang ina.

Lahad ng host ng Tonight With Boy Abunda, na kaya siya nagtatrabaho para sa ina at sa mga mahal niya sa buhay. Hindi na raw kayang matanggap ni Boy Abunda ang nangyari sa kanyang ama niya noon na nagkasakit hanggang sa bawian ng buhay dahil kapos sila sa panggastos.

“In fairness, nasa top three ngayon ang It’s Like This sa mga pinakamabentang libro na inilabas ng ABS-CBN Publishing,” may pagmamalaking sabi ni Kuya Boy.

Isinulat niya sa naturang libro ang nabanggit na kasaysayan ng kanyang ama.

Ngayon pa lang ay marami na ang naghihintay sa ikalawang libro ni Boy Abunda dahil nabanggit niya na mas marami pang revelations tungkol sa buhay niya na ilalabas niya dahim hindi pa nalalaman ng publiko.