Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Arestado ang isang 30-anyos na lalaki makaraang manghataw ng Samurai sword sa umpukan ng mga nag-iinuman sa Zone 88, Barangay Abar 1st, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si John Paul Cersenia y Matias, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Dakong 11:00 ng gabi umano nang lumapit si Matias sa mga nag-iinuman at hinataw ng dala-dalang Samurai sword o katana si Rogelio Victoria Jr., y Opiana, 44, binata, pintor, ar residente ng nasabing lugar.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Nagtamo ng malalim na sugat sa kanang kamay ang biktima na kaagad isinugod sa ospital.

Pinaghahanap pa ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated homicide.