Ni NORA CALDERON

NATAWA si Dennis Trillo sa biro na hindi lang pala tatlo kundi apat ang girlfriends niya sa romantic-comedy series na The One That Got Away.

DENNIS copy copy

Bukod kasi sa tatlong naging girlfriends niya na sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins, may current girlfriend siya sa story, si Sophie Albert, na talaga raw kinarir ang pagpapaganda at pagpapa-sexy para hindi mapahiya sa ex-girlfriends ni Liam (Dennis).

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero may tatalo ba sa kanila sa totoong girlfriend ni Dennis, si Jennylyn Mercado? Kaya ang tanong kay Dennis, wala pa ba silang balak magpakasal ni Jen?

“Napag-uusapan po namin, pero wala pang definite na plano,” sagot ng aktor. “Ayaw naming bigyan ng pressure ang sarili namin. Alam po naming hindi na kami mga bata ni Jen, pero pagdating sa kasal, dapat pagplanuhan naming mabuti.

Hindi kami susunod sa mga taong binubuyo kaming magpakasal na. We’re mature na nga, marami na kaming lessons na natutunan, pero pagdating sa kasal, alam po namin na darating iyon sa tamang panahon.

“We’re enjoying naman ni Jen, parehong tanggap kami ng mga magulang namin, magkasundo rin ang mga anak namin, sina Calix at Jazz, kaya wala kaming nakikitang problema.”

After New Year ay nagbakasyon sina Dennis at Jen sa Bohol. In-enjoy nila ang magandang mga tanawin doon at si Dennis, sa kanyang Instagram story, pinakain ng mga exotic food si Jen. Tinawanan niya ang pagsama ng mukha ni Jen habang kinakain ito, with a caption na, “masarap naman di ba?”

Sa Monday na, January 15, after ng Kambal Karibal ang premiere telecast ng The One That Got Away at isa-isang ipakikilala ang tatlong naging girlfriends niya, sina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian), at kung anu-ano ang mga dahilan kaya iniwanan nila si Liam. Pero hindi naman pala nila ito nakakalimutan kundi in love pa rin lahat sa kanya.

Kaya kung papipiliin sa tatlong ex, sino?

“Mahirap pong pumili, siguro iiwanan ko na lang sa televiewers at sa mga writers namin kung sino ang sa palagay nila ay dapat makatuluyan ni Liam. Pare-pareho kasi silang magaganda, mababait at mga talented. Siguro, kahit sa totoong buhay, ang hirap pumili kung ganoon naman kagaganda ang mga naging girlfriends mo,” sagot ni Dennis.

Tampok din sa The One That Got Away sina Jason Abalos, Migo Adecer at Ivan Dorschner, mula sa direksyon nina Mark dela Cruz at Conrado Peru.