Ni Beth Camia

Mahigit sa P120 milyon halaga ng puslit na bigas ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng Olutanga sa Zamboanga Sibugay, nitong Linggo ng umaga.

Naharang ng mga tauhan ng PCG ang MV J-Phia, isang Liberian-flagged cargo ship na nagbiyahe sa 60,000 sako ng bigas sa timog-kanluran ng Olutanga, Zamboanga Sibugay.

Nagkasa ng operasyon laban sa naturang barko makaraang makatanggap ng ulat na may dala-dala itong mga kahina-hinalang kargamento na inilipat mula sa isa pang foreign vessel sa Sulu Sea.

Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Sinabi ng kapitan ng MV J-Phia na galing sila sa Cagayan de Oro City, pero nabigo siyang magpakita ng sapat na dokumento.

Dinala sa Zamboanga port ang cargo ship habang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang kapitan at crew nito.